Sa oras na magkakahiwalay ang dalawang tao na nasa relasyon at yung isa eh lubos na nagmamahal pa. Ang tanging maririnig mo sa boses niya eh “
Huwag muna, huwag mo ko iwan, mahal kita. Mahal kita”.
- ” Hindi ko kayang mawala ka “.
- ” Magmahalan lang tayo, Ayusin natin to “.
- ” May pag-asa pa ba?”
- ” Gagawin ko lahat ng gusto mo, huwag mo lang akong iwan”.
- ” Bakit mo ko iiwan? Wala naman akong ginagawang masama. Loyal naman ako sayo ah? “
- ” Huwag mo kong ipagtabuyan. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang “
At marami pang nakakalungkot na eksena. Minsan ano man ang gusto nating paraan eh wala na tayong magagawa kapag ayaw na talaga ng karelasyon mo, wala kang ibang gagawin kundi tanggapin ito ng buo. Na isipin mo yung mga bagay tulad ng
- Kapag ikaw ang mahal niya, ikaw ang pipiliin niya.
- Isipin mo na sa oras na magkabalikan kayo, posibleng iwan ka ulit niya.
- Baka hindi ka lang niya talaga mahal. Nabigla lang siya sa mga desisyon niya. ( Kailangan mong tanggapin na nangyayari talaga ito sa mundo, kaya wala ka talagang magagawa dahil hindi mo kontrolado ang buhay ng isang tao. )
- Isipin mo na malaya ka na ulet. Nasayo ulit ang oras at desisyon mo sa sarili mong buhay.
Marami namang paraan para sumaya eh. At ikaw mismo ang tutuklas nun.














